Ang Pamana(aralin blg.1)
Ang Pamana ni Jose Corazon De Jesus Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Mak...