Posts

Showing posts from October 21, 2013

Aralin 2(Banaag at Sikat)

Banaag at Sikat  ni Lope K. Santos Mga Tauhan: Don Ramon  – Ama ni Talia at Meni Felimon Loleng - magulang ni Isiang,madlanglayon na kaibigan ni talia, Felipe - manlilingbang, Delfin -manunulat Tentay  -asawa ni felipe. Tagpuan: Antipolo / Laguna Nilalaman ng balangkas / pangyayari: masyadong konserbatibo ang wakas. Kaisipan / ideang taglay ng may akda: Nagbibigay insperasyon sa mga mambabasa. Buod: Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’...

Aralin 1(Luha)

Image
Oktubre 20 Luha Ni Rufino Alejandro Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli. Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim. Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang pusong luray sa hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin! Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay. "Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong iwasan." Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap! Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay. Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang t...