Posts

Showing posts from December 31, 2013

Aralin8(Kinagisnang Balon)

Image
) Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinainan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matandang balong tisa. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. Mahalaga nga ang balon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman ng mga ito sa susunod nilang salinlahi. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. "Noon...