Posts

Showing posts from December 2, 2013

Aralin 7(Banyaga)

Image
  Mukhang artista! Artista nga ba? Artista? Banyaga  (Liwayway A. Arceo) Mula nang dumating si Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit isang taon; kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang (wala nang kumikibo) wari ay nababasa niya sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya. - Serbesa ba ‘kamo bata ka, ha? Ngumiti siya, kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinugtong niya ang paliwanag, hindi naman masama ang amoy, Nana.  N...