Aralin 5 (Tata Selo)
Tata Selo ni Rogelio Sicat Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang baliatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggigitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked. “Totoo ba, Tata Selo?” “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa Malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang g...