Posts

ANG KALUPI

Image
Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual            Mataas na ang araw nang luma bas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti , kipkip ang ilang libro ...

UGOY NG DUYAN

Ugoy ng Duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Refrain: Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin Sa piling ni nanay, langit ay buhay Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay Oh! inay

Ang Pamana(aralin blg.1)

Image
Ang Pamana  ni Jose Corazon De Jesus  Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Mak...

Aralin8(Kinagisnang Balon)

Image
) Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinainan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matandang balong tisa. Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon. Mahalaga nga ang balon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman ng mga ito sa susunod nilang salinlahi. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon. "Noon...